Tinanggap ngayong araw ng Philippine government ang JPY 20-billion (o nasa P8.8 billion) na budgetary support na ipinangako ng Government of Japan, sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Sa isang statement, sinabi ng Japanese Embassy sa Manila na ang turnover para sa kanilang budgetary support ay nangyari wala pa isang buwan matapos na pinayagan ni Prime Minister Suga Yoshihide ang release ng isa pang tranche ng Post-Disaster Standby Loan Phase 2 (PDSL 2) sa pamamagitan ng isang teleconference summit kasama si Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 19, 2021.
Ito na ang ikatlong pagkakataon na naglabas ng pera ang Japan sa ilalim ng PDSL 2 para sa laban ng pamahalaan ng Pilipinas kontra COVID-19.
Samantala, umaasa naman ni Japanese Ambassador to the Philippine Koshikawa Kazuhiko na ang latest tranche ng loan na ito ay makakatulong ng husto para sa Pilipinas.
Magugunita na Setyembre 15, 2020 nang nilagdaan ang PDSL 2, na isang contingency fund ng Pilipinas.
Aabot sa JPY 50 billion o P22 billion halaga ng loans ang entitled ang Pilipinas sa ilalim ng naturang programa, na maaring gamitin sa natural at health-related disasters.










