Nasungkit ng Philippines men’s wushu team ang bronze medal sa 30th Southeast Asian Games men’s duilian sa World Trade Center nitong araw.

Nagtapos ang trio na sina Johnzenth Gajo, Jones Inso at Thornton Sayan na may 9.49 points para ilagay ang mga sarili sa ikatlong puwesto sa naturang kompetisyon.

Ang pambato ng Indonesia na si Edgar Marvelo, Horatiys at Seraf Siregar ang nakakuha ng gintong medalya matapos na makakuha ng 9.54 points.

Pumangalawa naman ang pambato ng Brunei, na may 9.50 output.

Nauna rito, nakuha ni Agatha Wong ang kanyang ikalawang wushu gold medal sa SEA Games 2019 sa women’s taijijian.