-- Advertisements --

Sapat ang supply ng bakuna ng Pilipinas sa kasalukuyan hanggang sa Agosto 17, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr.

Hindi aniya magkukulang ang supply ng bakuna sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Agosto dahil kabuuang 12,826,099 doses ang available sa kasalukuyan.

Noong nakaraang linggo lang, 7,142,450 doses ang natanggap ng Pilipinas mula Hulyo 14 hanggang 17.

Sa bilang na ito, 3.2 million doses ang bakunang gawa ng Johnson and Johnson (J&J) at 1.15 million doses ng AstraZeneca na bigay ng United States at Japanese governments; 2.5 million doses ng Sinovac at 250,800 doses ng Moderna na binili naman ng national government mula sa China at US.

Sa kabuuang, 27,922,360 doses na ang binili at binigay na bakuna sa bansa mula Pebrero.

Hanggang noong Hulyo 19, kabuuang 15,096,261 doses ang naiturok na sa buong bansa.

Sa nalalabing bahagi ng buwan, kabuuang 9,353,340 doses ang ide-deliver sa bansa kabilang na ang galing sa Pfizer at Sinovac.