Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers at thunderstoms ang buong bansa ngayong araw ng Linggo.
Ayon sa Pagasa, ito ay dahil sa Southwest Monsoon (Habagat) na nakakaapekto sa western parts ng Luzon at Visayas, at dalawang mahinang low pressure areas na nakakaapekto naman sa eastern part ng bansa.
Nagbabala ang state weather bureau sa posibilidad ng pagkakaroon ng flash floods o landslides kapag magkaroon ng thunderstorms.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng Pagasa sa movement ng dalawang mahinang low pressure areas.
Isa rito ay nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ito dakong alas-3:00 ng madaling araw 210 kilometers east southeast ng Casiguran, Aurora.
Hindi naman ito inaasahan na mabubuo bilang tropical depression.
Samantala, ang isa pa ay namataan naman 1,125 kilometers east ng Guian, Eastern Samar, sa labas ng PAR.
Inaasahang papasok ito ng PAR ngayong araw ng Linggo.