-- Advertisements --

Maaari raw na makakuha ng libreng COVID-19 vaccines ang Pilipinas para sa 15 percent ng populasyon nito sa pamamagitan ng COVAX facility ng United Nations (UN).

Katumbas ito ng 16,350,000 indibidwal sa bansa.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na isa ang Pilipinas sa 92 bansa na eligible para makakuha ng libreng bakuna mula sa COVAX.

Ang COVAX ay isang pasilidad sa pangangasiwa ng UN na magbibigay ng access sa ligtas at epektibong bakuna para sa mga lower-income economies.

Dapat ay matatanggap na ng Pilipinas ang 117,000 doses ng COVID-19 vaccines mula Pfizer-BioNTech ngayong buwan subalit nagka-problema ito dahil sa indemnification requirements na kinakailangan.

Bukas, araw ng Linggo, ay inaasahan na dadating sa Pilipinas ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine mula China na sasalubungin naman ni Locsin kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Locsin, may dalawang paraan para makakuha ng libreng bakuna sa COVAX facility.

Un ay sa pamamagita ng fully subsuduzed, donor funded doses, habang ang ikalawa naman ay top-up doses na binayaran sa pamamagitan ng cost-sharing contributions ng Asian Development Bank (ADB) at World Bank.

Sakop din ng top-up financing ang gagastusin sa cold chain/cold chain equipment, delivery, at logistics.