-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sasabak na mamayang alas-3:00 ng hapon sa itaas ng ring ang mga boksingerong Pinoy para sa kanikanilang laban sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games 2019, na gaganapin sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Kinompirma sa Bombo Radyo ni Cagayan de Oro Boxing Team coach Elmer Pamisa na si 2017 SEA Games bronze medalist Carlo Paalam ang pinakaunang sasabak sa bakbakan laban sa boxing silver medalist Khamsatone Khampouvanh na nagmula sa bansang Laos.

Inihayag ni Pamisa na bagamat kinatatakutan ng ibang SEA Games boxing contenders si Khampouvanh subalit hindi na aniya bago para kay Paalam ang kanilang laban mamaya.

Naikuwento kasi ng boxing coach na dati na ring natalo ng Cagayan de Oro boxing pride si Khampouvanh sa invitational boxing match.

Humingi ng suporta at dasal sa publiko ang boxing team ng Pilipinas para sa kanilang kampanya sa SEA Games 2019.

Naikuwento pa raw ni Paalam na kailangang magka-gold medal ito ngayong taon upang mapaghandaan rin ang pagsali sa darating na Olympics.