-- Advertisements --

Nakatakdang mag-angkat ng nasa humigit kumulang 300,000 metric tons ng bigas para madagdagan ang buffer stock ng bansa, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, pormal nang binuksan ng Philippine International Trading Corp. (PITC) ang government-to-government rice importation mula sa mga kalapit na mga bansa tulad ng Myanmar, Vietnam, India at Cambodia.

Nauna nang inalis ng pamahalaan ang importation capacity ng National Food Authority (NFA) sa ilalim ng Rice Tariffication Law na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019.

Kaya magmula noong Marso 2019, pinayagan na ng Pilipinas ang unlimited importation ng bigas hangga’t sa mayroong phytosanitary permit na makuha ang mga traders mula sa Bureau of Plant and Industry at makapagbayad ng 35 percent na taripa para sa shipments mula sa mga kalapit na mga bansa sa Southeast Asia.

Kamakailan lang ay sinabi ng DA na humigit kumulang 729,000 metric tons ng bigas ang nakapasok na sa bansa hanggang noong katapusan ng Abril.