-- Advertisements --
NAGA CITY- Naiulat ang ilang aftershocks matapos kasunod ng magnitude 6.5 na lindol sa Timog-Silangan ng Cataingan, Masbate.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Paul Alanis ng Phivolcs, sinabi nito na aasahan umano ang mga posibleng pagkasira ng ari-arian at iba pang epekto ng
ng nasabing pagyanig.
Intensity II naman ang naramdaman ng mga tag-probinsya ng Camarines Sur hanggang Gumaca Quezon.
Sa ngayon, nananawagan ang ahensya sa publiko na mag ingat at panatilihin ang pagiging alerto sa mga posibleng pang manyare.