-- Advertisements --

Siniguro ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas kasunod ng naranasang magnitude 6.8 na lindol sa Chile.

Batay sa Tsunami Information No.1 na inilabas ng ahensya kaninang alas-5:50 ng umaga, niyanig ng magnitude 6.8 ang Central Chile ngayong araw na may lalim na 10km o 6.21 miles.

Ayon pa sa ahensya wala itong nakikita na posibleng makaranas ng tsunami ang mga kalapit na bansa.

Samantala, patuloy pa ring pinag-iingat ng Phivolcs ang lahat sa mga lindol at sumunod palagi iaanunsyo ng kani-kanilang mga local government units (LGUs).