-- Advertisements --
Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko na walang banta ng tsunami sa bansa kasunod ng tumamang malakas na lindol sa Papua New Guinea nitong umaga ng martes.
Ayon sa ahensiya, ang episentro ng magnitude 6.6 na pagyanig ay malapit sa hilaga ng Papua New Guinea na may lalim na 44 kilometers. Ito ay may 20 kilometers malapit sa baybayin ng Wewak town, ang kabisera ng East Sepik Province ng Pacific Island state.
Nagtagal ang lindol ng halos isang minuto.
Inisyu ng Phivolcs ang naturang abiso kaninang alas-6:02 ng umaga na nagsasaad na walang tsunami threat sa bansa at walang aksiyon ang kinakailangang ipatupad.










