-- Advertisements --
Phivolcs DOST Office Wiki Patrick Roque

Kinokonsidera ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na irekomenda ang paglikas sa mga residente na nasa loob ng 7-kilometer radius ng Permanent Danger Zone ng bulkang Mayon depende sa monitoring sa mga aktibidad ng bulkan.

Ito ay kasunod ng lava flow activity sa bulkang Mayon sa nakalipas na araw.

Kasalukuyan ding nasa Alert Level 3 ang bulkan dahil sa intensified unrest o magmatic unrest nito.

Kayat paalala ni PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol sa publiko lalo na ang mga residenteng nasa lagpas sa 6 kilometer permanent danger zone na maghanda na lumikas sakaling itaas pa sa alert level 4 ang alerto sa bulkan o kung sakaling manatili man sa Alert level 3 at irekomenda ang pagpapalawig nito sa mga residente na nasa lagpas ng 6 km permanent danger zone.

Base aniya sa report ng lokal na pamahalaan, nailikas na ang lahat ng mga residenteng naninirahan malapit sa 6 km radius PDZ.