Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa publiko na huwag mahulog sa mga circulating predictions sa lokasyon at oras ng mga lindol.
Ito ay sa gitna ng mga kumakalat na nalalaman umano kung saan at kailan mangyayari ang lindol.
Itinuro ng state seismology bureau na wala pa ring teknolohiya saanman sa mundo na mahuhulaan kung saan at kailan magkakaroon ng nasabing sakuna.
Hiniling din ng Phivolcs sa publiko na huwag magbahagi ng impormasyon na maaaring magdulot ng alarma o kalituhan.
Binigyang-diin ng Phivolcs ang kahalagahan ng pagiging handa sakaling magkaroon ng malalaking lindol sa ilang bahagi ng bansa.
Giit ng ahensya, na dapat ay mayroong sapat na kaalaman sa pagtugon sa lindol at sa anumang natural disaster na maaaring tumama sa Pilipinas.