Hinikayat ng mga state volcanologist ang mas mataas na pagsubaybay sa Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay, dahil pumasok na ito sa ikalawang buwan ng pag-aalburoto nito.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, ang pagtaas ng pagbabantay laban sa pyroclastic density currents, lahar, at sediment-laden streamflows sa mga channel na dumadaloy sa edipisyo ay dapat pang paigtingin.
Ang bulkang Mayon ay nanatili pa rin sa ilalim ng Alert Level 3, na nangangahulugang ang mapanganib na aktibidad ay posible sa loob ng ilang linggo o mga susunod na araw.
Ang 5-step alert system para sa bulkan ay itinaas sa 3 mula 2 noong Hunyo 8.
Ipinakita sa huling datos ng Philvolcs na sa nakalipas na 24 na oras, ang mabagal na pagbuga ng lava mula sa summit crater ng Mayon ay patuloy na naitatala sa sa Bonga, Mi-isi, at Basudgullies.
Mayroon ding kabuuang 259 volcanic tremors ang naitala mula sa Mayon Volcano.
Humigit-kumulang 91 na low-frequency volcanic earthquakes, habang 167 na lindol ang naitala na may tagal na mula 1 hanggang 2 minuto mula sa naturang bulkan.