-- Advertisements --
Walang nakuhang panalo ang Pilipinas sa 2022 ASEAN Grand Prix sa Indonesia.
Ito ay matapos na talunin sila ng Indonesia sa score na 26-24, 25-22, 25-23.
Pinangunahan ni Jema Galanza ang Philippine Womens’ volleyball team na nagtala ng 16 points habang mayroong 15 points si Michele Gumabao at 10 points naman ang naitala ni Ced Domingo.
Dahil dito ay nagwagi ng bronze medal ang host country na Indonesia.
Unang natalo kasi ang Pilipinas sa Thailand at Vietnam sa nasabing four-country pocket tournament.