-- Advertisements --
Sasabak sa 2022 Asean Grand Prix ang Philippine womens’ volleyball team na Creamline.
Magaganap ang nasabing laban mula Setyembre 9-11 sa Nakhon Ratchasima, Thailand.
Kinumpirma ito ni Cool Smashers head coach Sherwin Meneses ang paglahok nila matapos ang AVC Cup 2022.
Magugunitang nagtapos lamang sa pang-anim na puwesto ang Philippine Women’s volleyball team sa nasabing torneo na ginanap sa Philsport Arena.
Umaasa ito na magiging maganda ng performance nila dahil sa katatapos lamang nilang pagsabak sa nagdaang torneo.