Philippine Volleyball team
Philippine Women’s Volleyball team/ FB post

Kinuha ng Philippine national volleyball team si veteran spiker Aiza Pontillas bilang kapalit ni Filipino-American Kalei Mau.

Ito ay matapos na hindi payagan ng United States Federation si Mau para makapaglaro kasama ang national team sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay volleyball head coach Shaq delos Santos na marami silang mga adjustments na gagawin.

Nagtapos sa pangalawang puwesto ang Pilipinas ng makaharap ang University of Tsukuba ng Japan.