-- Advertisements --
image 383

Matapos ang dalawang linggong pagtulong sa pagliligtas sa mga biktima ng lindol sa Lungsod ng Adiyaman sa Turkey, naghahanda na ang Philippine Urban Search and Rescue o USAR team na umuwi ng Pilipinas.

Ayon sa doktor ng Urban Search and Rescue Team na si Dr. Ted Esguerra, oras na para umalis sila sa nasabing bansa.

Idinagdag niya na ang panahon, partikular na ang lamig, ay isa ring pangunahing salik sa pagsisikap na iligtas ang mga biktima.

Ikinuwento ni Esguerra ang isang pagkakataon nang sinubukan nilang iligtas ang isang biktima na nabaon nang malalim sa ilalim ng mga gumuhong buildings.

Sa kabila ng mga pagguho na limang palapag, sinubukan nilang hukayin ang biktima na kung saan patuloy silang naghuhukay hanggang alas-3 ng madaling araw, ngunit sa kasamaang-palad, namatay din ang naturang biktima.

Habang ang Urban Search and Rescue Team ay handa nang umuwi, ang Philippine medics naman ay nagpapatuloy sa kanilang trabaho na bigyan ng paunang lunas ang kanilang nasasagip sa nasabing lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.