-- Advertisements --
download 1 1

Aminado ang Philsys Registry Office ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naghahabol sila sa pag iimprenta ng physical identification cards o national ID.

Sinabi ni Engr. Fred Sollesta, officer in charge ng Philsys Registry Office na nasa 50 milyon pa ang backlog nila sa physical ids.

Sa ngayon kasi ay nasa 75 milyong mga Pilipino ang nairehistro na nila at nasa 25 milyon pa lamang ang naiimprenta nilang physical ID.

Dahil dito, tinatalakay na aniya ng kanilang tanggapan at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kung paano mapabibilis pa ang produksyon ng mga card.

Sa ngayon aniya ay nabubulunan ang kanilang sistema o ang Information technology infrastructure, maging ang kanilang card printing facility.

Habang marami pa ang hindi na iisyuhan ng physical ID, sinabi ni Sollesta na pwede namang bigyan muna ng electronic o E-Phil ID ang publiko, basta makita nila sa listahan ang kanilang pangalan.

Sakali naman aniyang may kailangang i-update sa impormasyon ng isang indibidwal, sinabi ni Sollesta na mag uupdate sila sa publiko sapagkat may proseso aniyang kailangang gawin at kanila aniya itong ilulunsad sa mga susunod na panahon o kung hindi maihabol ngayong taon ay sa unang bahagi ng 2023.