Nangako ang Philippine Statistics Authority (PSA) na makipag-ugnayan ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang mapabilis ang pamamahagi ng mas marami pang electronic at physical copies ng National ID sa katapusan ng taon.
Ayon kay Fred Sollesta, director ng PSA Civil Registration System – Information Technology Project, nag-commit ang PSA na sa katapusan ng taon target na makapag-isyu ng P50 million national ID. Ito ay kumbinasyon ng 30 million na physical cards na prinoproduce ng BSP at 20 million na e-PhilID na digital version subalit printed copy habang inaantay ang pag-release ng National ID.
Nagpaliwanag din ang opisyal kung bakit naaantala ang pag-imprinta ng national ID.
Aniya, nagkaroon ng chokepoint dahil sa imbalance sa registration at processing ng National ID.
Subalit, payo naman ng PSA official sa publiko na maaaring i-track ang status ng kanilang National ID gamit ang transaction slip at maari ding makita sa tracker ng PhilPost kung natanggap na nila for delivery.
Base sa ulat ng PSA ngayong araw nasa kabuuang 74.2 million Filipinos na ang nakapagrehistro para sa National ID kung saan nasa 22 million cards na ang na-produced at 17.6 million ang nadeliver na ng PhilPost.