Nilinaw ng Philippine Space Agency (PhilSA) na may namataang unidentified flying object (UFO) sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ng PhilSA sa pamamagitan ni Senator Francis Tolentino na siyang dumidepensa sa proposed budget ng ahensiya para sa 2023 sa plenary deliberation sa Senado.
Kasunod na rin ito ng pagtatanong ni Senate President Juan Miguel Zubiri kung repository din ng UFO phenomenons ang PhilSA.
Nauna na rin kasi aniyang ibinunyag ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kanilang UFO records.
Subalit sa pakikipagkonsulta sa mga opisyal ng PhilSA na present din sa session hall ng Senado, sinabi ni Tolentino sa mataas na kapulungan na wala pang natanggap na report na may namataang UFO sa bansa.
Pagbibiro naman ng Senador ay posiblng natatakot ang mga ito sa bagyo sa ating bansa.
Matapos ang pagtatanong naman ng Senate president, idineklara ng kapulungan ang budget proposal ng PhilSA na submitted for consideration.
-- Advertisements --