Rowing team
Rowing team/ FB image

Target ngayon ng Philippine Rowing Association (PRA) na makasali sa 2020 Tokyo Olympics.

Sinabi ni Patrick Gregorio ang pangulo ng asosasyon, matapos ang pagkakaroon ng gold medal sa katatapos na 30th Southeast Asian Games ay naka-focus na sila para makasali sa Olympics.

Nakatakda kasi sa Abrila 27-29 sa Chungju, South Korea ang qualifying tournament at tiniyak nito na buong suporta ang ibibigay sa rowing team ng bansa.

Binubuo nina Joanie Delgaco, Melcah Jen Caballero at Chris Nievarez ang nagwagi sa ng gintong medalya noong SEA Games.

Unang Pinoy na nag-qualify sa Olympics ay si Benjie Tolentino na nagtapos sa pang-18 na puwesto sa 2000 Sydney Olympics.