Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na naka-full alert status sila hanggang sa Nobyembre 4 para sa pagsisimula ng mandatory face to face classes.
Sa kasalukuyan, nakaalerto ang buong hanay ng kapulisan para tIyakin ang long holiday weekend sa pag-obserba ng All Saint’s Day.
Ayon kay PNP spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, nakasentro ang deployment ng kanilang police personnel sa mga lugar sa Metro Manila habang binigyan-diin ng full discretion ang regional police directors para palawigin ang pinaigting na alert status sa kani-kanilang area of responsibility ngayong Undas.
Inatasan din ang mga regional directors na tiyaking may available na police assistance desks para maasistihan ang mga estudyante, magulang at mga guro kasabay ng full implementation ng in-person classes.
Kung maaalala, base sa inilabas na Department of Education Order (DO) No. 44, ang full implementation ng in-person classes ay magsisimula sa public schools mula bukas, Nobiyembre 2.
Habang ang private schools naman ay nabigyan ng option na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng blended learning modality para sa nalalabing school year.