-- Advertisements --
image 185

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa posibleng pag-atake o opensiba ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa papalapit na ika-54 anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) ngayong Disyembre 26.

Ito rin ay habang idineklara ng PKP ang panahon ng pagluluksa kasunod ng pagkamatay ng kanilang founding chairman na si Jose Maria Sison noong Biyernes.

Sinabi ng Komite Sentral ng CPP na iniaalay nito ang paparating na anibersaryo sa pagtatapos ng 10-araw na panahon ng pagluluksa sa alaala ni Sison.

Pareho namang sinabi ng PNP at AFP na wala silang natatanggap o namomonitor na seryosong banta na may kaugnayan sa pagkamatay ni Sison o sa anibersaryo ng CPP.

Ayon pa kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo na ang police mobile forces at ang Special Action Force ay naka-deploy na sa mga lugar na dati nang naitalang pag-atake na konektado sa NPA.

Naka-full alert naman ang PNP simula noong Huwebes, para sa anibersaryo ng CPP at holiday season, habang naka-hold ang mga police leave.