-- Advertisements --

Umaapela ang Philippine Hospital Association (PHA) nang reinforcement ng mga healthcare workers mula sa mga nurses ma kasalukuyang nagtatrabaho sa Armed Forces of the Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP), at call centers.

Ayon kay PHA President Jaime Almora, pagod na ang mga nurses sa mga ospital, lalo na ngayong may naitalang spike sa COVID-19 cases kamakailan.

Iginiit ni Almora na reinforcment, at hindi timeout, ang solusyon sa kasalukuyang sitwasyon ng mga healthcare workers na overwhelmed na sa pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 patients.

Kaya naman kung maari ay ipahiram daw muna ng mga callcenters, AFP at PNP ang kanilang mga nurses sa mga ospital sa bansa.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Health (DOH) na 64 percent na ang occupancy rate sa mga intensive-care beds para sa COVID-19 patients sa mga ospital sa Metro Manila, ang siyang epicenter ng pandemic sa bansa.