-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine Ambassador to the United States na ang naging joint statement ng Pilipinas at Amerika ay hindi direktang tumutukoy lamang sa China kundi sa lahat ng incursions o panghihimasok na nangyari sa nakalipas.

Sinabi ng Philippine envoy to the US Jose Manuel Romualdez na hindi sila naghahanap ng conflict o gulo sa ibang mga bansa kasunod ng nasabing statement.

Saad pa ng opisyal na ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ay upang partikular na mapigilan ang anumang uri ng incursions.

Umaasa din ang Philippine envoy na ang kaibigan ng bansa na China ay makita ito bilang isang pagkakataon para mas maging seryoso sa pagresolba sa mga isyu partikular sa disputed waters sa mapayapang paraan.

Binanggit din ni Romualdez ang harassment na nararanasan ng mga mangingisdang Pilipino na walang duda na Chinese forces sa territorial waters ng ating bansa na daang taon na nilang ginagawa at halos araw-araw ay nakakatanggap sila ng report hinggil sa nasabing isyu.

Ginawa nga ng Philippine envoy ang naturang pahayag matapos na mariing pabulaanan ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin ang umano’y maling mga akusasyon sa joint statement ng Amerika at Pilipinas na mariing tinuligsa ang hindi lehitimong maritime claims, militarisasyon ng reclaimed features, pagbabanta at pagsasagawa ng provocative activities sa may pinag-aagawang karagatan.