Tuluyan ng nakalaya mula sa impluwensya ng droga ang aabot sa 161 na barangay matapos itong idineklarang drug free ng Philippine Drug Enforcement Agency .
Sa isang pahayag, sinabi ni PDEA Public Information Officer Glenn Guillermo , na ang naging deklarasyon ay resulta na rin ng masusing validasyon at sertipikasyon ng regional oversight committee .
Masasabing drug free na ang isang barangay kung lalabas sa pagsusuri na wala ng user at field pusher ng naturang mga ipinagbabawal na droga.
Bago maglabas ang PDEA ng deklarasyon ay tintiyak muna nito na dumaan ang isang partikular na barangay sa masusing proseso
Kabilang sa mga pinakamarami na idineklarang drug free na barangay ay mula sa Pampanga na mayroong 46 na barangay, 40 sa Nueva Ecija, 29 na barangay sa Tarlac, 14 sa Zambales, 14 sa Aurora, 9 sa Bataan at pitong barangay sa Bulacan.