-- Advertisements --
image 102

Ibinunyag ng grupo ng mga negosyanteng Filipino-Chinese sa bansa na ang mga empleyado ng Philippine offshore gaming operations (POGOs) na i-report ang mga kaso ng pagdukot dahil natatakot ang mga ito na mapadeport.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, nanindigan si Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (PCCCII) secretary general Bengsum Ko sa impormasyong natanggap ng grupo hinggil sa 56 na insidente ng kidnapping na nangyari sa loob lamang ng 10 araw.

Ipinaliwanag naman ni PNP officer in charge Police Lieutenant General Jose Chiquito Malayo sa komite na agad niyang kinausap ang Anti-Kidnapping Group (AKG) kaugnay sa nasabing mga kaso ng pagdukot subalit lumalabas na hindi aniya malinaw kung kaialn at saan nangtyari ang naturang mga insidente kayat naninindigan ang pulisya sa kanilang statistics at hindi aniya nangyari ang sinasabing 56 na crime incidents.

Ngunit saad naman ni Ko na batid naman aniya na iligal ang operasyon ng POGO sa China kayat sinuman na aniyang empleyado na nagtratrabaho sa POGO sakali man na dinukot ay hindi anila ito ipapaalam sa mga otoridad dahil ito ay agad na marereport sa chinese embassy at agad silang mapapadeport pabalik ng Chinaat pagbabawalang makalabas ng kanilang bana sa susunod na limang taon.

Kaugnay nito, hinimok ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na tumatayong chairman ng komite ang PNP at Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry na makipag-ugnayan sa isa’t-isa para mahanap ang sinasabing nawawalang 56 na indibwal.