-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto.
Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination.
Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, bukas daw sila sa mga puna at suhestiyon matapos ang naturang pangyayari.
Umabot sa 433 bettors ang nanalo sa 6/55 Grand Lotto na may jackpot prize na P236,091,188.40.
Ang bawat lucky jackpot winner ay makatatanggap ng P545,245 pero subject pa rin sa final tax na 20 percent bilang pagsunod sa Republic Act No. 10963 o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law o TRAIN Law.