-- Advertisements --
Tiniyak ng womens softball team ng bansa na Philippine Blue Girls na magiging proud ang bansa sa pagsabak nila sa Softball World Cup.
Gaganapin ang nasabing torneo sa darating na Hulyo 22 hanggang 27 sa Italy.
Sinabi ni veteran catcher Cheska Altamonte na ito ang magiging mahirap na torneo na kanilang sasalihan.
Aminado ito na tagilid sila pero gagawin nila ang makakakaya para magkampeon at maipagmalaki ang bansa.
Kahanay kasi nila ang three-time championa na Japan, Canada, Venezuela, New Zealand at ang host country na Italy.
Unang makakaharap nila ang Canada sa Hulyo 22.
Ang koponan ng US naman ang defending champion.
Matapos ng nasabing torneo ay maghahanda naman ang Blu Girls sa Asian Games na gaganapin sa Hangzhou sa buwan ng Setyembre.