korea
-- Advertisements --

korea2

Nagpadala ng contingent ang Philippine Army para sa Seoul International Aerospace and Defense Exhibition (Seoul ADEX) 2021 na ginanap sa Seoul Air Base, South Korea, mula noong October 17 hanggang October 21,2021.

Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Andres Centino ang Seoul ADEX 2021 ay isang biennial activity at nagtatampok ng iba’t ibang mga events o aktibidad kabilang dito ang pag-display sa cutting-edge technology weapons systems and equipment, academic symposiums, at iba pang mga defense-related activities.

Si Maj. Gen. Roberto Capulong, ang Philippine Army chief of staff, ang nanguna sa Phil Army delegates.

korea1

Maraming mga relevant and valuable opportunities daw ang nakuha ng mga opisyal ng army lalo na sa networking at access sa mga “latest capabilities across the ground, naval, and aerospace domains.”

-- Advertisement --

Binigyang-diin naman ni Lt Gen. Centino na mahalaga ang naging partisipasyon ng PA contingent’s sa ADEX 2021, dahil makakakuha sila ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa mga bagong technologies lalo na sa defense hardware and equipment na malaking bagay sa pagplano sa pagbili ng military hardware para sa Philippine Army.

Dagdag pa ni Centino, tuloy-tuloy ang modernization and development capabilities ng Philippine Army para lalo pang mapalakas at mapaigting ang kanilang defense posture at makatugon sa mga tinaguriang “fast-evolving nature” lalo na sa banta sa seguridad na kinakaharap ng bansa.

korea3