Handang magbigay ang Philippine Air Force (PAF) ng technical support sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para hindi maulit pa ang nangyaring aberya sa mga paliparan noong unang araw ng 2023.
Sinabi ni PAF spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, na kapag may abiso na ang kanilang mataas na opisina ay agad silang tutugon.
Mayroong aniya silang written agreement sa CAAP na maari nilang gamitin ang mga kagamitan at magbigay ng mutual assistance para sa kanilang misyon.
Tuloy-tuloy aniya ang kanilang koordinasyon sa isa’t-isa para sa pagpapabuti ng nasabing kasunduan.
Hiniling naman ni National Security Adviser Clarita Carlos sa national government na kung maari ay bumili ng mga kakailanganin na teknolohiya para sa CAAP-PAF systems upgrade.