ilinaw ni Health Sec. Francisco Duque III na tuloy pa rin ang pagbibigay reimburesment ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga ospital sa kabila ng suspensyon ng ahenysa sa Internal Reimbursement Mechanism (IRM).
“Iyong usual reimbursement ng PhilHealth, patuloy po iyan. Patuloy po iyang benepisyo po ng ating mga kababayan na pasyente,” ani Duque sa isang press conference.
“Iyang reimbursement po sa mga ospital, patuloy iyan. That is part of their (PhilHealth) operations,” dagdag ng kalihim, na siya ring chairman ng PhilHealth board.
Tiniyak ni Duque sa stakeholders na kumilos at pinupunan na ngayon ng PhilHealth ang mga sinasabing butas sa IRM mechanism.
“Iyong IRM na subject ng investigations, pinag-aaralan at nirerepaso na po iyan ng PhilHealth para tugunan ang issues on withholding tax, palakasan at legal basis niya.”
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga otoridad ang kinwestyong release ng P15-billion IRM fund ng PhilHealth. Ayon kasi sa Commission on Audit, hindi malinaw ang pagkakasaad ng gastos sa P14-billion ng nasabing pondo.
Tiniyak ni Duque ang koordinasyon ng nagbitiw na sina PhilHealth president Ricardo Morales Jr. at Senior Vice President Rodolfo del Rosario sa imbestigasyon.