-- Advertisements --

Kinukonsidera ngayon ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) president and chief executive officer Ricardo Morales na mag-leave sa gitna ng mga alegasyon hinggil sa umano’y korapsyon sa ahensya.

Ginawa ni Morales ang naturang pahayag isang araw matapos na inirekominda Senate President Vicente Sotto III na dapat mag-leave ang mga opisyal ng PhilHealth para ipakita ang pagiging “delicadeza”.

Ayon kay Morales, ang problema sa korapsyon sa ahensya ay hindi kaagad mareresolba kahit pa mapalitan ang presidente ng PhilHealth.

Noong nakaraang linggo, ilang opisyal ng PhilHealth ang nagbitiw sa puwesto dahil sa umano’y korapsyon sa loob ng ahensya.

Isa sa mga opsiyal na nagbitiw sa puwesto ay Philhealth anti-fraud legal officer Thorrsson Montes Keith.

Apat na dahilan ang binanggit na dahilan ni Kieth sa kanyang resignation letter.

Una rito ang mandatory contribution ng OFWs, na aniya’y maitututring na unconsitutional at hindi bahagi ng Universal Healthcare Law.

Pangalara ang umano’y madalas at talamak na hindi patas na promotion process, na aniya’y kailangan maimbestigahan.

Pangatlo naman ay ang delay sa release ng kanyang sahod at hazard pay nang sinimulan niyang imbestigahan ang ilang PhilHealth officials, at pang-apat naman ay ang talamak na korapsyon sa ahensya.