-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 06 16 14 14

Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa publiko na maging mapagbantay sa pangangalaga sa kanilang personal information at tiyakin ang seguridad ng mga website na kanilang binibisita.

Ito ay bilang tugon sa tumataas na trend ng mga online scam na naglalayong linlangin ang mga indibidwal at ikompromiso ang kanilang sensitibong data.

Isa sa mga pangunahing alalahanin na tinutugunan ng PhilHealth ay ang paglaganap ng mga website na binibiktima, na nagpapanggap bilang mga kagalang-galang na institusyon tulad ng mga korporasyon at mga bangko.

Sinabi nito na nililinlang ng mga website ang mga user na magbunyag ng sensitibong impormasyon, kabilang ang mga password para sa mga online account na nauugnay sa pagbabangko, social media, email, at iba pang mga personal accounts.

Dagdag pa rito, binigyang-diin ng health insurer na maaaring humiling ang mga scammer ng mga personal details gaya ng mga petsa ng kapanganakan, valid identification numbers at impormasyon sa debit o credit card.

Upang matulungan ang mga indibidwal na makilala ang pagitan ng lehitimong at pekeng mga website, binigyang-diin ng PhilHealth na ang mga respected entities, tulad ng mga bangko, ay hindi paulit-ulit na hihilingin ang personal information ng isang indibidwal dahil nasa kanilang talaan na ang mga nabanggit na detalye.

Ang naturang babala ay nagsilbing paalala sa publiko na mag-ingat kapag nagsasagawa ng mga online transactions at manatiling mapagbantay laban sa mga banta sa cyber attack na maaaring makakompromiso ang personal information ng isang indibidwal.