-- Advertisements --

Inilabas na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang liquidation report sa nawawalang P15-bilyon na pondo.

Ayon sa PhilHealth, napunta ang P14.21 billion o 95% ng total interim reimbursement mechanism (IRM) sa 711 ospital sa bansa.

Ang nasabing halaga ay bilang ayuda sa pandemya at para maging bukas ang mga pagamutan sa mga pasyenteng nangangailan ng tulong.

Aabot sa 516 sa 711 na health care facilities ay naliquidate na nila ang pondo na galing sa Philhealth.

Ang IRM ay programa ng PhilHealt na nagbibigay ng pondo o emergency cash advances sa mga pagamunta sa tuwing may nagaganap na kalamidad.

Ginamit ang mga ito noong panahon ng bagyong Yolanda noong 2013, Marawi Siege noong 2017, Taal eruption at COVID-19 pandemic noong 2020.

Magugunitang inakusahan ng dating anti-fraud officer Thorson Montes Keith ang ilang opisyal ng PhilHealth dahil sa pagbulsa ng nasabing halaga.

Sa nasabing kontrobersya ay nagbunsod sa pagbaba sa puwesto ni dating PhilHealth president Ricardo Morales.