-- Advertisements --
image 363

Pinalawak pa ng Philippine Health Insurance Corporation ang coverage nito para sa mga hemodialysis patients sa bansa.

Ayon kay PhilHealth Corporate Affairs Group VP Rey Baleña, dati ay hanggang sa 90 session lamang ang coverage ng Philhealth ngunit pinalawak na ito ng hanggang sa 156 session.

Ang nasabing bilang ay alinsunod sa standard dialysis requirement ng isang pasyente na sasailalim siya sa tatlong session sa bawat linggo, sa loob ng 52 weeks, o isang taon.

Ang nasabing hakbang aniya ay alinsunod na rin sa naging unang kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang coverage nito para sa mga hemodialysis patients.

Bawat session, magbabayad ang Philhealth ng P2,600. Sa kabuuang taon na sasailalim sa hemodialysis ang isang pasysnte, kabuuang P234,000 ang babayaran nito para sa isang pasyente.

Pero sa ilalim ng pinalawig na coverage, aabot na sa P405,600.00 ang babayaran nito, sa loob ng isang taon.

Paalala nito sa mga pasyente na siguraduhing nasa PhilHealth Dialysis database ang kanilang pangalan, sa pamamagitan ng rekomendasyon ng isang lisensyadong doctor.