-- Advertisements --
Sa kabila ng mga kinasangkutang kontrobersya kamakailan, ibinida ng Department of Health (DOH) na dumami ang bilang ng mga Pilipinong naging sakop ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) noong 2018.
Sa pagdalo ni Health Sec. Francisco Duque III sa hearing ng House Committee on Appropriations sa 2020 budget ng DOH, sinabi nito na tumaas ng 98-percent ang mga Pinoy na napasali sa PhilHealth coverage.
Katumbas daw ito ng 104-million na Pilipino mula sa 93-percent o 97-million Pinoy noong 2017.
Target ng DOH na makamit ang 100-percent sa susunod na taon lalo na’t PhilHealth ang attached agency ng kagawaran na makakatanggap ng pinakamalaking budget.
Sa ilalim ng panukalang pondo, P67.35-billion ang inilaan sa PhilHealth.