-- Advertisements --

Ipinamigay ng isang pilantropo ang kaniyang lahat ng yaman para mabuhay lamang ng simple.

Si Charles “Chuck” Feeney, ang co-founder ng Duty Free Shoppers sa mga paliparan, ay mayroong yaman na mahigit $8 bilyon.

Isinagawa ng 89-anyos na si Feeney ang pamimigay sa pamamagitan ng pagbibigay donasyon sa iba’t-ibang organisasyon.

Ilang bilyon dolyar ang naibigay niya sa education, human rights and social change campaigns ganun din ang pagtanggal ng death penalty sa Amerika.

Isinara na nito ang kaniyang foundation matapos ang apat na dekadang pamimigay ng tulong.

Nag-iwan na lamang ito ng $2 milyon para sa kanilang mag-asawa na si Helga para gamitin habang sila ay buhay pa.