-- Advertisements --
image 223

Tinambakan ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets sa kanilang pangalawang paghaharap ngayong 2023 Playoffs, sa score na 96 – 84.

Walang nagawa ang mga batang Brooklyn players sa lakas ng mga Sixers matapos na sunod-sunod na magpasok ang mga ito ng bola sa second half ng laban.

Sumentro ang opensa ng Sixers sa kanilang batang guard na si Tyrese Maxey na nagbuhos ng 33 points habang pinangunahan naman nina Joel Embiid at Tobias Harris ang kanilang depensa sa kanilang double-duble performance.

Si Embiid ay nakapagpasok ng 20pts at 19 Rebounds habang si Harris ay nagbuhos ng 20 pnts at 12 rebounds.

Sa panig naman ng Nets, nasayang lamang ang naging tandem nina Cameron Johnson at Mikal Bridges na may combined score na 49 pts. Tatlong players lamang ng Nets ang nakayang makapag-ambag ng double digit scores.

Dahil sa panalo, hawak na ng Sixers ang 2-0 lead laban sa Nets sa 7-game series ng first round ng Playoffs.