
Muling tinalo ng Philadelphia 76ers ang Brooklyn Nets sa pangatlong pagkakataon sa nagpapatuloy na Playoffs 2023.
Dahil dito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Sixers para makausad sa pangalawang round ng Playoffs.
Sa katatapos na Game 3, naging susi ang batang Guard ng Sixers na si Tyrese Maxey sa kanyang clutch plays, at nakapagpasok ng 25 pts. Nagpasok naman si James Harden ng 21 pts.
Nalimitahan lamang sa 14 pts si Joel Embid, ngunit naging sentro pa rin ito ng depensa ng kanyang team sa kanyang 10 rebounds.
Sa dalawang minutong nalalabi bago matapos ang nasabing laro, lamang ng mahigit limang puntos ang Nets ngunit nakaya itong itabla ng Sixers bago matapos ang last minute mark sa game regulation.
Ngunit bago tuluyang matapos ang game, magkasunod na naipasok ni Maxey ang isang 2-pointer at isang 3-pointer, dahilan upang umabanse ang Sixers ng hanggang limang puntos. Wala nang nagawa ang Nets sa pagtatapos ng laro.
Nasayang naman ang 26 points ni Mikal Bridges sa naging pagkatalo.










