sal panelo spokesman
Presidential spokesman Sec. Salvador Panelo

Pabor si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa panawagan ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na magbitiw na lang sa pwesto si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Ronnie Evangelista.

Kasunod ito nang pagkakapatay sa kadete na si 4th Class Darwin Dormitorio dahil umano sa hazing.

Sinabi ni Sec. Panelo, kung hindi alam ni Evangelista ang mga nangyayari sa pinamumunuang institusyon, dapat magbitiw na lamang ito sa pwesto.
Ayon kay Panelo, sa tingin niya ay mahina ang istilo ng pamumuno ni Evangelista sa PMA.

Naniniwala rin si Sec. Panelo na dapat may managot mula sa mgaopisyal sa PMA, mula sa pinakamataas hanggang pinakamababang posisyon na nalusutan ng iligal na aktibidad gaya ng hazing.