-- Advertisements --
image 66

Suportado ng Philippine Coconut Authority ang plano ni PBBM na makapagtanim ng hanggang 100million na puno ng niyog sa kabuuan ng kaniyang panunungkulan.

Bilang tugon dito, sinabi ng PCA na kabuuang 3.6 million na ektarya ng lupain ang nakahandang tamnan ng puno ng niyog.

Ito ay katumbas ng 27% ng agricultural land sa bansa.

Ayon sa ahensiya, maliban sa pagtatanim ng mga puno ng niyog, target din nitong matugunan ang ang mga pangangailangan ng mga magsasaka ng niyog katulad ng post harvest facilities, planta, at marketing.

Ang naturang plano ay nakapaloob sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.

Sa kasalukuyan, mayroong 340.6 million na puno ng niyog sa Pilipinas na may kakayahang makapaglabas ng bunga na mula 14 hanggang 15 billion taon-taon.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang pinakamalaking exporter ng mga produktong niyog kung saan noong 2022 ay nakapagtala ito ng hanggang $3.22 billion.

o ang pambato ng Vietnam para sa Round of 16, at sinundan ng pambato ng Singapore para sa Quarterfinals.