Nananatiling naka-alerto ang army reserve kasunod ng pag-aalburuto ng bulkang Bulusan.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, isang platoon ng army reservist ang minobilize ng 505th Ready Reserve Infantry Battalion mula sa 505th Community Defense Center (505CDC).
Bukod sa mga army reservist katuwang din ng mga ito ang mga tropa mula sa 31st Infantry Battalion ng 9th Infantry Division.
Sinabi ni Trinidad, ilang mga opisyal ng Philippine Army ang dumalo sa pagpupulong na tinawag ng Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Layon ng nasabing pulong para ilatag ang gagawing paghanda at response measures.
Sa ngayon naka standby ang mga reservist para sa posibleng deployment sa mga apektadong barangays.
Batay sa datos ng Army nasa kabuuang 2,784 families or 13,920 individuals ang apektado ng ashfall.
Nasa 278 indibidwal naman ang inilikas sa Tughan evacuation center sa bayan ng Juban.
Siniguro naman ni Phil. Army Chief Lt Gen Romeo Brawner ang tulong at suporta ng army sa panahon ng kalamidad at national emergencies.