CAMBRIDGE – Nagumpisa nang magturok ng COVID-19 vaccine ang kompanyang Moderna sa Japan, bilang bahagi ng kanilang Phase 1/2 clinical trials sa bakuna.
Sa isang press statement, sinabi ng US-based biotechnology company na katuwang nila ang Takeda Pharmaceutical sa pag-aaral ng kanilang bakuna sa mga Japanese.
“We are pleased that this Phase 1/2 study of our COVID-19 vaccine in healthy adults in Japan has begun. This is the first clinical trial of a Moderna product in Japan and we thank Takeda for partnering with us to potentially protect the Japanese population from COVID-19 with a vaccine,” ani Moderna CEO Stéphane Bancel.
Nakatanggap na ng mRNA-based vaccine ang isang Japanese citizen na participant ng clinical trial.
Sa ilalim ng Phase 1/2 trial, oobserbahan daw ang ang safety at immunogenocity ng bakuna.
Target ng Takeda Pharmaceuticals na mag-enroll ng 200 participants na nasa pagitan ng mga edad 20-anyos pataas.
Ituturok ang una at ikalawang dose sa pagitan ng 28-araw.
“Each participant will be assigned to receive a placebo or a 100 μg dose at both vaccinations. Participants will be followed through 12 months after the second vaccination.”
Una nang sinabi ng Takeda na mag-aangkat sila ng 50-million doses ng Moderna vaccine sa Japan sa unang bahagi ng 2021.
Dito sa Pilipinas, wala pang ipinapasang aplikasyon ang Moderna para sa clinical trials at emergency use authorization.
Pero ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, isa ang bakuna ng Moderna sa mga tiyak na matatanggap din ng Pilipinas ngayong taon dahil sa COVAX Facility.