-- Advertisements --

Agad na tinugunan ni Philippine Womens Volleyball team head coach ng mga nakita nitong pagkukulang matapos na matalo sila sa ginanap na exhibition game laban sa Brazilian club na Sao Caetano.

Sinabi ni Jorge Edson Souza de Brito na agad silang nagsagawa ng training para mapabuti pa ang kanilang mga laro.

Nagkaroon na ng dalawang practice sessions ang mga Pinay volleyball players ng bansa at mayroon pang ilang mga laro ang kanilang isasagawa.

Magugunitang nasa Brazil ngayon ang womens volleyball team ng bansa bilang bahagi ng paghahanda sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa susunod na buwan.