-- Advertisements --

Agad na sinimulan ng Philippine women’s volleyball team ang kanilang ensayos pagdating nila sa Brazil bilang paghahanda sa nalalapit sa 31st Southeast Asian Games.

Pinangunahan nina spikers Alyssa Valdez, Aby Marano at Jaja Santiago ang nasabing koponan kung saan tiniyak nila ang paghakot ng gintong medalya sa SEA Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.

Sinabi ng kanilang coaches na sina Ojie Mamon at Brazilian coach Jorge Edson Souza de Brito na magkakaroon ng tune-up match ang koponan sa tinaguriang sikat na volleyball club sa Brazilian Superliga A ang Aso Caetano.

Magugunitang naisapinal na ni Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara ang lineup ng koponan noong pa ng nakaraang linggo.

Huling nakakuha ng gold medal ang Philippine women’s volleyball team ay sa SEA Games ay noong 1993 at nakakuha naman sila ng bronze medals noong 2003 Hanoi at 2005 sa Manila.