Hindi tumutol ang Pilipinas sa pagpapakawala ng Japan ng 1.3 milyong metrikong tonelada ng treated radioactive na tubig sa Pacific Ocean mula sa nawasak nitong nuclear power plant na Fukushima Daiichi.
Ito ay sa kadahilanang,kinikilala ng bansa ang technical expertise ng International Atomic Energy agency (IAEA) sa nasabing usapin.
Ayon sa DFA, patuloy din naman na tinitingnan ng Pilipinas ang isyung ito mula sa pananaw na science- and fact-based at ang epekto nito sa katubigan sa rehiyon.
Bilang isang coastal at archipelagic state, ang Pilipinas ay nagbibigay ng sukdulang priyoridad sa pangangalaga at preserbasyon ng marine environment.
Ayon sa isang ulat ng International Atomic Energy agency, ang mga plano ng Japan na ilabas angAdvanced Liquid Processing System na treated water sa dagat ay magkakaroon ng kaunting radiological effect sa mga tao at sa kapaligiran at naaayon sa mga nauugnay na internasyonal na pamantayan sa kaligtasan.
Giit din naman ng ambassador na gagawin ng Japan ang lahat ng posibleng hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng paglabas ng naturang wastewater sa dagat kahit na nagsimula na ito, at hindi maglalabas ng anumang bagay na maaaring makaapekto sa kalusugan o kapaligiran.
Una nang pinuna ng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang Department of Environment and Natural R