-- Advertisements --
balikatan3

Pormal nang binuksan ang tinaguriang largest RP-US Balikatan exercises 2022 ngayong araw.

Pinangunahan nina AFP chief of staff Gen. Andres Centino at US Embassy Charge d’ affaires Heather Variava ang opening ceremony.

Ayon kay AFP chief Centino, espesyal ang Balikatan ngayong taon dahil sa pagiging lawak ng aktibidad nito.

Pagkakataon kasi ito para matuto at masusubukan din rito ang mga bagong gamit na nakuha ng mga militar.

Sinabi naman ni AFP Balikatan 22 Exercise Director Maj. Gen. Charlton Sean Gaerlan na ang ehersisyo ay testamento sa katatagan ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Gaerlan, mahalaga sa national security ang Balikatan dahil pinapalakas nito ang kakayahan at kahandaan ng mga sundalong Pilipino sa iba’t ibang operasyon.

Tampok sa mga aktibidad ngayong taon ang Amphibious operations exercise sa Claveria, Cagayan at ang Combined Arms live fire exercise sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Tarlac.

Lalahukan ito ng 3,800 tauhan ng AFP at 5,100 miyembro ng US military.

balikatan4

Kabilang sa mga aktibad ay amphibious landing exercise, counter terrorism, urban warfare exercise, live fire training at iba pang mga exercises.

Lalahok din ang mga Pilipino at Amerikanong sundalo sa humanitarian at civic assistance projects gaya ng pagsasagawa ng community health activities.

Nabatid na ang Balikatan 2022 ay ang pinakamalaking joint military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito na ang ika-37 iteration ng Balikatan Exercise sa pagitan ng 2 bansa.

Tatagal ito hanggang April 8, 2022.