Target ng Marcos administration na makahikayat ng mas maraming Russian business na mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon sa Board of investments, pinagtipun-tipon nito ang mga kinatawan mula sa Russia at pribadong sektor sa PH sa isang business forum na isinagawa noong Oktubre 4 para talakayin ang lumalagong trade relations sa pagitan ng dalawang bansa at para palaguin pa ang mutually beneficial partnerships.
Ipinagmalaki ni Trade Undersecretary and BOI head Ceferino Rodolfo ang Pilipinas bilang regional hub sa southeast Asia para sa smart at sustainable manufacturing at services.
Idinagdag din ng opisyal na iprinisenta ng PH ang maraming investment opportunities kabilang dito ang mineral processing, electric vehicle manufacturing, infrastructure development at pharmaceuticals.
Binigyang diin din nito ang patuloy na pagsisikap ng bansa para payagan ang 100% foreign ownership sa piling public services.