Umapela ng mas mataas na pondo para sa 2021 ang Philippine Space Agency (PhilSA) nang maipatupad ang ilang programa na makakatulong umano sa iba’t-ibang industriya sa bansa.
Partikular na hiniling ni PhilSA director general Joel Marciano sa hearing ng Senado para sa 2021 budget ng Department of Science and Technology (DOST) ang P1.676-billion budget ng opisina.
Noong nakaraang taon nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11363 o Philippine Space Act. Mayroon itong alokasyong P1-billion para sa inisyal na operasyon.
“Because of current constraints in resources and also the inability to program the budget into the Office of the President during the last year’s budget cycle, this P1-billion initial operating fund of the PhilSA became unavailable,” ani Marciano.
Kabilang sa flagship projects ng PhilSA ang launching ng isang satellite na inaasahang mabibigay ng mga datos at access sa teknolohiya. Kaya rin umano nitong bigyan ng connectivity ang mga lugar na hindi naabot ng mga telecommunication companies.
Ayon kay Marciano, kakailanganin ng P900 budget para sa development at operasyon ng 100 hanggang 150-kilong satellite na proyekto.
“By carrying cameras, it gets data of our environment, surrounding, bodies of water, vegetation, land areas et cetera. So, that is the purpose of this satellite.”